thisisME
![]() |
|
name:MARIELLE AMOJILAR nickname:MAIE birthday:AUGUST 19, 1993 school:LICEO DI SAN LORENZO E-mail:sofia_cute19@yahoo.com
|
JUNIOR LOVE by: MARIELLE AMOJILAR "Pipiiip", ang busina ng sasakyan na susundo kay Jestielle. First day of class, unang araw din ni Jestielle bilang isang highschool.Transferee sya sa "School of Yours", isang exclusive na school. "Hi", isang classmate nya ang nagpakilala, "Im Kelly, a new student. And you are?". "Jestielle" sabi nya, "Bago lang din ako dito, saan ka galing na school?" Biglang dumating ang adviser nila."Hi, Im Miss Lenchi, Your adviser, nice to meet you class" ang sabi ng kanilang teacher.Nagpatuloy ang klase nila. Kahit kinakabahan si Jestielle dahil bago sya, ay nilakasan nya na lang ang loob nya para magkaroon ng mga kaibigan.Habang tumatagal, isa-isa nya nang nakikilala ang mga kaklase nya. Nagiging close sila at dumadami ang get together nila.Hangang sa masanay na rin si Jestielle sa kanyang bagong mundo.Habang nagkaklase, isang lalaki ang umagaw ng pansin nya.Pero ang totoo, di lang sya ang nakapansin, buong klase nila. "Lucky",sigaw ng teacher nila, "natutulog ka na naman gumising ka nga at makinig sa itinuturo ko" nagtawanan ang buong klase.Si Lucky ay isang lalaki na napakakulit,maingay at pasaway. Pero sya lang ang unang lalaki na nakaagaw ng pansin ni Jestielle na never pang naiinlove.Hindi sila close, dahil magkaiba ang kanilang mga barklada. Madalang lang silang mag-usap dahil hindi naman sila madalas magkasama. Pero paminsan-minsan nagbibiruan sila.At sa tuwing nangyayari yun hindi napapansin ni Jestielle na kinikilig at napapangiti sya. Natapos na ang paghihirap nila bilang isang freshmen.Isa na silang ganap na sophomore.Panibagong hamon na namang muli. Sila-sila pa rin ang makakaklase kaya mas lalong napapalapit ang loob ni Jestielle sa kanyang mga bagong kaibigan.At ang pagkakagusto nya kay Lucky ay pinigilan nya, dahil na rin sa may iba na itong gusto. Si Tiffany, isang maganda at mabait na kaklase din nila.Si Jestielle ang unang nakapansin na may gusto si Lucky kay Tiffany dahil na rin sa palagi nya itong pinagmamasdan. Matapos nyang malaman ito, ibinaling nya na lang ang sarili sa pag-aaral, alam nya na naman na walang mangyayari kung ipagpapatuloy nya pa ang pagkagusto nya dito. Isang buong taon na naman ang natapos.Pero panibagong mga pagsubok ang haharapin nila bilang mga Juniors. Habang papasok ng school si Jestielle, isang sasakyan ang muntikan ng makabunggo sa kanya pero nakaiwas naman sya dahil na rin sa mabilis na pagpreno. Ang may-ari ng sasakyan na iyon ay si Kris, anak ng may pinakamalaking share sa business nila Jestielle. "Is that is Jestielle? the daughter of Mr. and Mrs. Bum",tanong ni Kris sa driver nya. "Opo sir,sya nga po si Jestielle.Maganda sya diba?sagot ng Driver. "I like her, I want to marry her. Tawagan mo si daddy at sabihin mo nakahanap na ako ng pakakasalan ko",ang sabi ni Kris. Isang junior student lang din si Kris. Pero kahit junior pa lamang sya ay pinaghahanap na sya ng babaeng papakasalan nya. Nag-iisa syang anak ng mayaman na si Mr. Teng. Nais lang na makasiguro ni Mr. Teng na magkakaron sya ng tagapagmana.At si jestielle nga ang maswerteng babae na nagustuhan ni Kris. Nang inalok na ng pamilya nila Mr. Teng ng kasal ang pamilya nila Jestielle ay hindi ito pumayag. Dahilan nila ay masyado pang bata si Jestielle para magpakasal. Maski si Jestielle ayaw din, dahil nga may iba na syang gusto. Nang nalaman ni Kris na ayaw ni Jestielle magpakasal, gumawa sya ng mga hakbang na pipilit sa pamilya ni Jestielle at kay Jestielle na magpakasal. Pinilit nya ang daddy nya na magbackout sa pagisponsor sa business nila Jestielle. At ginawa naman ito ng daddy nya. Nalugi ang business nila Jestielle dahil nawala ang may pinakamalaking shares. at muntikan na silang maghirap.
page:
|