thisisME
![]() |
|
name:MARIELLE AMOJILAR nickname:MAIE birthday:AUGUST 19, 1993 school:LICEO DI SAN LORENZO E-mail:sofia_cute19@yahoo.com
|
BUHAY KO: Ako po si Marielle Amojilar o mas kilala sa Maie. Ipinanganak noong agusto 19, 1983 sa Visaya. Isa akong simpleng dalaga na nangangarap na makapunta sa Maynila at makapag-aral. Nais kong maging isang CPA. Ang pamilya ko ay mahirap lang. Nagtatrabaho ang tatay ko sa bukirin at ang nanay ko naman ay gumagawa ng basahan. Walo kaming magkakapatid. Wala ni isa ang nakapagtapos. May nakapag-aral man pero hangang ikalawang baitang lamang. Simula ng araw na ako'y huminto sa pag-aaral, ipinangako ko sa aking sarili na magtatrabaho akong mabuti at mag-iipon para makatungtong akong muli sa paaralan na aking inaasam. Tumulong ako sa aking itay sa bukirin. Binabayaran ako ng tatlong piso kada araw. Hindi ko ito ginagastos at inilalagay ko lamang ito sa aking kawayan na alkansya. Patuloy akong nagtatrabaho upang makapag-aral. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, nasira ang pangarap ko. Umalis ang ate ko at dinala nya lahat ng pinaghirapan ko para sa aking kinabukasan. Gusto kong magalit ngunit wala na akong nagawa, nakuha nya na ang lahat. Wala na akong pag-asang muling makapag-aral. Isang araw napag-isipan ko na sumama sa barkong papunta sa Maynila upang matupad ang aking pangarap. Nagtago ako sa lagayan ng mga malaking bagahe, ngunit isang lalaki ang nakahuli sa akin. Napakasaklap ngunit nais nila akong ihulog sa gitna ng dagat. Isang ale ang tumulong sa akin. Binayaran nya ang mga nagbabantay upang hindi ako ihulog. Isinama nya ako sa kanilang bahay sa Maynila. Isang biyaya ang ale na ito para sa akin. Ipinangako nya na pag-aaralin nya ako kung magtatrabaho ako sa kanya. Laking tuwa ko ng marinig ito. Ngunit ang akala kong biyaya ay isang bangungot pala. Inalipin nya ako sa pamamahay nya. At pagkatapos ay ibinenta nya ako sa mga tao na naghahanap ng alipin. Sinubukan kong makatakas ngunit lage akong nahuhuli. Pero isang pagkakataon ang nabigay sa akin.Nakatakas ako, pero nagpakalat-kalat ako sa lansangan ng Maynila. Dinanas ko ang matinding gutom at lamig. Ngunit may isa na namang biyaya ang naibigay sa akin. Nabigyan ako ng tulong ng mayor ng Maynila. Pinag-aral nya ako at binigyan ng matitirhan. Nagsikap ako sa aking pag-aaral. At ng makapagtapos ako ng HIghschool ay natigil ang suporta ng mayor dahil natanggal sya. Naghanap ako ng trabaho upang mapag-aral ko ang aking sarili. Nagpatuloy ang swerte ko sa buhay. Natupad ko ang aking pangarap. Ngunit parang may kulang, hindi ako masaya sa kabila ng aking mga natamo .------>pindutin para malaman ang katotohanan |